Ano ang ekonomiya?
Ang ekonomiya ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito.
Sa ekonomiya ng isang bansa may mga maituturing tayong iba't ibang sektor pang-ekonomiya na sasagot sa pagtukoy ng sarili nitong pagsulong tungo sa kaunlaran o pagunlad. Ang kaunlaran ng isang bansa ay minimithi ng lahat. Ang buong sambayanan ay mapaya at maligaya kung ito'y maunlad. Nangangahulugangnatutugunan nito ang mga pangangailangan ng mga tao. Ang pagtutulungan at pagkakaisa ng pamahalaan at ng mga mamamayan ay mahalaga tungo sa kaunlarang pambansa. Dahil dito, bumabalangkas ang ating pamahalaan ng mga plano, mga programa, mga proyekto,mga patakaran at tuntunin ng pagsasakatuparan ng kaunlaran ng bansang Pilipinas.
Sektor ng Industriya
- Ito ang pangkabuhayang gawain na kaugnay sa pagproseso ng hilaw na sangkap sa paggawa sa mga bagong produkto.
- Sa larangan ng ekonomiya, ang iba't ibang uri ng pagmamanupaktura at mga serbisyo ay pinaghihiwa- hiawalay sa mga pangkat na tinatawag na mga industriya.
- Maraming mga uri ng iba't ibang mga industriya, katulad ng pagmimina, konstruksyon, pagmamannupaktura, at elektrisidad at gas.
Industriyalisasyon
- ito naman ang tawag sa pagpapalit ng paraan sa pagprodyus mula gawang-kamay tungo sa paggamit ng makinarya.
Primary Industries- mga industriya na mula sa agrikultura, paggugubat at pagmimina.Secondary Industries- tumutukoy sa mas komplikadong gawain, mula sa pagproseso ng mga pangunahing produktong agrikultura patungo sa mas malaking produksyon sa kalimitan ay gumagamit ng iba't ibang uri ng makinarya.
Mahalagang Papel ng Sektor ng Industriya sa Ekonomiya
Pagmamanupaktura- ay ang gawain ng pagbago sa hilaw na materyal upang maging bagong produkto. Kinasasangkutan ito ng paghahanda, paghuhubog, at pagbago ng mga materyal sa pamamagitan ng maraming mga paraan, katulad ng, pagpukpok, pagbanat, pagpapa-init, o ginagamitan ng mga kimikal. Ang pagmamanupaktura ay may kaugnayan sa mga katagang pagyari, pagtahi-tahi, o pagkatha-katha ng mga produkto na karaniwang ginagawa sa loob ng mga pabrika.
Konstruksiyon- paggawa ng gusali, bahay o tulay ay isang prosesong binubuo nng paggawa, pagtatayo o pagbubuo ng imprastuktura.
Pagmimina- isang prosesong paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa. Ito rin ay isang kasaysayan sa pagkatas ng mga mineral mula sa lupa. Ang pagmimina ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ekstraksiyon, paghango, o paghugot. Maaaring maging kabilang sa pagmimina ang paghangong mga metal at mga mineral, tulad ng mga uling, ginto, pilak, platinum, tanso at bakal. Ang taong nagmimina ay tinatawag na tagapagmina, tagamina, mangmimina o minero.
Elektrisidad at Gas- napapaktakbo ang mga makina para sa produksyon, kagamitan para sa telekomunikasyon, at mga sasakyan para sa transportasyon.
Suliranin at ang mga solusyon ng Sektor ng Industriyal
1. Kakulangan ng suporta at proteksyon ng pamahalaan.
- Magtulungan tayo upang mapuksa ang corruption sa bansa sa pamamagitan ng pagboto ng tama, disiplina at magsisipag tayo'y aasenso.
2. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya laban sa paggawa ay nakakapagdudulot ng pagkawala ng mga hanapbuhay lalong lalo na ang mga manggagawang walang kasanayan.
-Philippine Constructors Association, Inc. (PCA) na may layunin na: professionalize industry players through education and training, promotes public private partnership, lead a performance based construction, school building projects, red cross projects, "going green" projects.
3.Oil Price Hike
-Biofuels Act of 2006
4. Kakapusan sa suplay ng tubig. Mga dumi at iba pa.
- Clean Water Act.
Sektor ng Agrikultura
Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, pagtatanim at pagaalaga ng mga hayop na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng apat na subsectors: pagsasaka, pangangahoy, paghahayupan/ pagmamanukan, at pangingisda na naglalarawan sa mga gawain ng agrikultura.
Subsectors
Paghahalaman
Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas.
Paghahayupan
Binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.
Pangingisda
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauri sa tatlo: komersiyal, munisipal at aquaculture.
Paggubat
Isang pangunahing pang-ekonomikong gawain ng sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagat ng almaciga.
Suliraning ikinahaharap ng Sektor ng Agrikultura at ang mga solusyon nito.
1. Pagliit ng lupang pansakahan.Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Dahil dito, kinakailangang mapalakas angpagiging produktibo ng mga natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa na nasa 100 milyon ngayong 2014. Kaakibat ng suliraning ito ang conversion o pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop at halaman (Adler, 2002). Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit pang mga suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran.
Solusyon: Tunay na pagpapatupad ng reporma ng lupa
2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan.
Binanggit din sa aklat nina Balitao et al (2012) ang patuloy na pagkasira ng Laguna de Bay at Manila Bay dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan, agrikultura, at industriya. Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto rin sa mga mamamayan sa pagdating ng panahon
Solusyon: Pagkakaroon ng disiplina sa sarili.
Batas ng Reporma ng lupa
- National Rice and Corn Corporation o NARIC [Panahon ng Commonwealth]- Ang nagtatakda ng presyo ng bigas at mais upang matulungan ang mahihirap na magsasaka at konsyumer.
- Batas Republika Blg. 34 [Panahon ng Republika]- Pagsasaayos ng hatian ng lupa sa pagitan ng may-ari ng lupa at magsasaka.
- Batas Republika Blg. 821 [Pangulong Ramon Magsaysay]- Ang nagtatag ng Agricultural Credit Cooperative Financing Administration na nagkaloob ng mababang interes.
- Batas Republika Blg. 7881 [Pangulong Fidel Ramos]- ang batas na ito ay nagtatakda na ang pangingisda ay hindi kasama o sakop ng CARP.
- Batas Republika Blg. 6389 (Agrarian Reform Code) at Batas Republika Blg. 6390 [Pangulong Ferdinand Marcos]- Itinatag ang Department of Agrarian Reform at ang Agrarian Reform Special Account Fund, ang dalawang ahensiya ang nagpapatibay sa posisyon ng mga magsasaka at pinapalawak ang sakop ng reporma agraryo.
Tayong mga mamamayan ng bansa ang sentro ng kaunlaran. Kaya sa atin dapat magsimula ang pagbabago para sa ikauunlad ng ating ekonomiya at ng ating bansa.
ahhh
ReplyDeleteSeminole Hard Rock Hotel & Casino - Mapyro
ReplyDeleteRealtime driving 의정부 출장샵 directions 통영 출장샵 to Seminole Hard Rock Hotel & Casino, 33116 Seminole Highway, Las Vegas, based on 논산 출장안마 live 태백 출장샵 traffic updates and road conditions – 남원 출장마사지 from